“Sa ngayon, parang ang bilis, ilang months na lang, hayan na, makikita ko na siya. Kaya sobrang excited na po!” says Jennylyn Mercado about her much anticipated delivery.
Last week ay na-interview ng StarTalk ang pregnant young actress na si Jennylyn Mercado habang naka-confine siya sa hospital due to stress. Kahapon naman, May 1, ay nagkaroon ng pagkakataon ang (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Jennylyn sa telepono.
Ayon sa kanya, may sakit pa rin siya. This time, fever naman. Pero tuluy-tuloy pa rin daw siya sa pagtatrabaho hanggang kaya pa ng katawan niya.
Last time she got sick, lumabas na naman ang isyu about her and ex-boyfriend Patrick Garcia. Ayon kay Jennylyn ay panay ang tawag at pagpapadala sa kanya ni Patrick ng text messages na hindi magaganda ang nilalaman.
Pero mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Patrick ang mga paratang ni Jennylyn.
Nang tanungin ng PEP kay Jennylyn kung tumawag na ba si Patrick since she got hospitalized, mabilis nitong sinabi na hindi raw at walang ganoong move from the father of her child.
“Hindi pa rin po tumatawag or pumupunta si Patrick,” sabi ni Jennylyn.
Dagdag ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor, mas gusto na raw niya ang hindi na lang magparamdam ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. more
0 responses so far ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment